MAGMULA NANG MAKILALA KA, ANG PANINGIN KO SA MUNDO LAHAT
NA LANG AY NAG-BAGO. ANG BAON KONG TINAPAY NA BINILI NI
NANAY, NAG LASANG MADE-TO-ORDER SA FIRST CLASS NA HOTEL;
KUNG DATI RATI AY NAG-LALAKWATSA PAGKATAPOS NG ESKWELA
NGAYON AY NAG-AARAL NA AT MATULUNGIN PA.  ANG GRADE KONG
75 NAGING 90 AT 95.

ANG BILIS NG TIBOK NG AKING PUSO, ANG LAKAS NANG TUNOG NA
PARANG KULOG. MAGUGULAT SI KAPITAN KIDLAT SA MALA AGIMAT
KONG PAKIRAMDAM.  IYON AY DAHIL IKAW ANG PALAGING LAMAN
NANG ISIPAN.

PAG KITA’Y NASASALUBONG AT NAKIKITA ANG NGITI MO NA
PAGKAHINHIN-HINHIN AT ANG DIMPLES NA PAGKALALIM-LALIM  ANG
SIYANG GUMIGISING SA PUSO KO SA MATAGAL NA PAGKAKAHIMBING.  
TUWING RECESS MGA BARKADA AY PALAGING NAKAPALIGID, HINDI KO
TULOY MALAMAN KUNG PAANO MAKAKALAPIT. SABIHIN MAN NANG
MGA TITSERS AT CLASSMATES NA HINDI TAYO BAGAY, ANG
IMPORTANTE SA AKIN AY IKAW ANG TUNAY.

SA TUWI TAYO’Y NAGTATAWAGAN, LOAD NG CELLPHONE AY
NAUUBUSAN. MABUTI NA LANG, PANAY PASA-LOAD MO AKING HIRANG.
KUNYARI AY NAGPAPATULONG SA ASSIGNMENT PARA LANG MADINIG
ANG TAWA MO’T HA-GIKGIK. HINDI TULOY AKO MATAHIMIK.  ISANG
ORAS AY KULANG BASTA IKAW ANG KA PHONE PAL AKING MAHAL;
ANG TATAY AT NANAY KO AY NATUWA NANG NALAMANG IKAW ANG
PALAGING KA-CHAT, SILA PALA AY MAY MALING AKALA NA AKO’Y
ISANG BAKLA.

MARAMING BABAE ANG MAY GUSTO SA AKIN.  BUMIBILI NG PAGKAIN
AT ISINUSUBO PA SA AKIN.  NAG BA-BUY NANG SHOES AT T-SHIRTS
PARA ISUOT KO DAW SA TUWING KAMI AY MAGKASAMA. SA LAHAT-
LAHAT NANG GINAWA NILA, BAKIT GANITO IKAW PARIN ANG GUSTO
KONG MAKITA AT ISAMA.

MALA MATON MAN ANG IYONG MGA KAPATID, HINDI AKO NATATAKOT
DAHIL NAANDIYAN KA HONEY UPANG HARANGIN ANG MALA PACQUIAO
NILANG SUNTOK NA PAGKA-BILIS-BILIS. UMULAN AT BUMAGYO,
MAGLALAG PA ANG SKY NANG SNOW AT MAGKAROON NG TORNADO
WALANG PIPIGIL SA PAGMAMAHAL KO SA IYO.