Idolo Ko ( 2008 )
by: Leonardo "Bobby" Abutin, Jr  (November 24, 2008)
Of Seattle, WA and Tondo, Manila
LUMAKI AKONG MASAYA AT PALA-TAWA
MARAMING  MAGANDANG DAMIT AT MGA BAGONG SAPATOS PA
MASAGANA KAMI KUNG AKING ITURING
MARAMING LARUAN AT PAGKAIN

MABUTING  ASAL   ANG  TINUTURO  MO SA AKIN
MARAMING KAIBIGAN, SABI MO ANG DAPAT KONG NAISIN
PAKIKIPAG KAPWA TAO, ANG DAPAT AY MITHIIN
KABUTIHAN AT KAPAYAPAAN PALAGING PANATILIIN

NADARAPA AT MADALAS MAPA-AWAY SA KAPWA
IKAW PALAGI ANG TAGAPAG-TANGGOL KO NA MAY KUSA
ANG KAAWAY KO AY KAAWAY MO RIN
MAGKA-SANGGA TAYO  KAHIT NA ANONG AKING GAWIN

NATUTUWA AKO AT PALAGI KANG NAANDITO  SA AKIN
AKING MAGANDANG BUHAY, ANG IYONG LAYUNIN
PROBLEMA KO AY PROBLEMA MO NA RIN
ANG SARAP NG PAKIRAMDAM DAHIL PALAGI KA SA AKING PILING

AKO’Y BINIBIRO KADALASAN NG MGA BARKADA
DAHIL  BAWAT GALAW KO AY SA IYO PINAPAALAM PA
ANG HINDI NILA MAUNAWAAN, GINAGAWA KO ITO
PARA HUWAG LAMANG MAG-ALALA ANG IDOLO KO

HABANG LUMALAKI AT DUMADAMI ANG BARKADA
HUMIHIGPIT KA AT MARAMING SINASABI PA
PINAGBABAWALAN, PINAPARINGGAN
BAWAT PAGKILOS KO AY INYONG PINAPAKIRAMDAMAN

HINDI MAIWASANG MAGKAROON NG HINDI MABUTING KASAMA
SA MGA KALOKOHAN, AKO’Y NAPAPASAMA
PANINIWALA MO AY MGA KAIBIGAN KO ANG PALAGING HINDI TAMA
KAHIT INAAMIN KONG AKO ANG MAY SALA

NAGKAKASAKIT KA SA PAG-A-ALALA
NA BAKA AKO’Y NAPAPAANO NA
ANG DATING MAHINAHON  BOSES, NGAYON AY NAKAKABINGI
PAULIT-ULIT KASI ANG IYONG SINASABI

MINSA’Y IKAW AY AKING NAPAG-MASDAN
KUMAKANTA, NAGSASAYAW AT MASAYANG MASAYA
SA ISANG IGLAP IKAW AY UMIIYAK AT TUMATAWA
IYON PALA’Y SA RADYO NAKIKINIG KA

MAHAL KITA AKING MAGULANG
KAHIT KADALASAN AY HINDI KITA MAUNAWAAN
IKAW AY NAGIGING MAKAKALIMUTIN AT MARAMDAMIN
NAKAKAIRITA MINSAN SA AKIN PANINGIN
ANO NGAYON ANG DAPAT KONG GAWIN?

GINUNITA KO ANG ATING NAKARAAN
PAGTATAMPO KO AY SINUSUKLIAN NG KARANGYAAN
WALANG KAPALIT ANG GINAGAWA SA AKIN
KABUTIHAN KO LAMANG ANG TANGING DINADALANGIN

NGAYONG NAMULAT ANG AKING MGA MATA
MGA BIYAYANG IBINIGAY SA AKIN,  KAPALIT AY HIRAP AT PAGDURUSA
TRABAHO DITO, TRABAHO DOON ANG GINAWA MO NOON
MGA SAPATOS AT LARUAN, LUMA NA NGAYON

MATALIK NA KAIBIGAN  KITA, AKING MAGULANG
MAGANDANG BUHAY PARA SA AKIN ANG PALAGI IYONG INAASAM
IKAW  LAMANG ANG AKING INI-IDOLO
NAIS KONG MAGING KAGAYA MO SA PAGPAPALAKI SA MGA ANAK KO.

SALAMAT SA PAGHUBOG MO SA AKIN, KARAMIHAN NG PAGKAKAMALI’Y
NAITATAMA KO NA RIN.